HEARTILICIOUS ♥

Gerginne[jer-jin] Cenille Andallo Balmes. 15 years of age. Purple lover. Curly. Gerg, Ginne, Kulot, etc. Play organ[pianist]. Badminton. Heart. BATMAN / DANIEL JOHN FORD ESTRADA PADILLA ♥

Fiesta ng San Ildefonso de Toledo Parish, Tanay

Medyo late ko na na-blog kasi busy. Hehe. Ang aga namin pumunta sa Tanay, kasi nga fiesta ng San Ildefonso de Toledo. Kelangan namin magsimba ng 8am dun. Before 8, andun na. Nagsimba tapos nag-stay sa kwarto ni Father Noeh. Dun na kami kumain kasi ang daming tao talaga sa labas. Andun lang kami nina Makmak at Bianne, tapos dumating si Teacher Koko at Kuya Don. Laughtrip habang nanonood ng Showtime. Eksaherada?!?! WAHAHAHA Yan ang nagpatawa samin. Tapos nun dumating na sina Marinel at Florelyn, bigla namin kinailangan umalis ng simbahan. Pumunta kami kina Jaynell, yun choir na taga-Tanay na friend namin ni Bianne. Tapos balik ulit sa simbahan. Eto yun pinaka-masaklap na nangyari sakin nun eh. Kasi pagpasok namin ng patio ng simbahan, diba uso yun naglalagay ng parang pin pag fiesta, eh nalagyan ako. Donation nalang daw kahit php20, tapos nakita niya yun bagong php50 sa wallet ko, papaltan daw niya. Edi binigay ko, kala ko papaltan niya ng mga barya. Aba, binigyan ulit ako ng isa pang parang necklace. Tas hiningi pa yun kakabili ko lang na juice. Halos 100 yun nawala agad sakin </3 

Pero yaan nalang yun. Pagdating nga namin sa simbahan, nagpahinga kami ni Bianne. Lumapit samin si Mike at Ketsup, nakikipag-lokohan samin. Mga knights yun sa Tanay. Tapos dumagdag sina Rossmar, Paul at Adrianne. Ang pinaka nakakatawa eh nun inaasar nila si Bianne, eh naasar nga, binato yun cellphone sa floor, takbuhan yun mga knights. HAHAHAHA! Nun palabas na kami, nakita namin nakatambay sila sa labas ng office. Inaasar pa si Bianne nun dumaan kami. Maya maya, lumapit sila samin nun nasa patio, inaaya kami kasi birthday ni Mike eh pinapapunta kami pati ng mommy nila. Pupunta na sana kami kaso iniwan kami, sabi sumunod nalang daw kami, eh gusto namin may kasabay. Bumalik pa tuloy sina Paul, Mike at Adrianne, nauna sina Kuya Jorenz at Rossmar. Pagdating namin kina Mike, grabe lang yun hiya ko. Parang hindi si Gerginne yun andun. HAHAHA! And na-amaze ako sa mommy nila, ang kalog tapos ang ganda. Nagulat ako kasi may tumawag sakin, pasok daw kami, yun pala yun daddy nina Paul, Mike at Simon(magkakapatid sila). Kilala nila ako -_- tapos pagpasok namin, picture-an agad, gawa ng mommy nila. Gusto daw niya magpa-pic sakin. Ms. Pretty/Ms. Beautiful nga ang tawag sakin eh. Sobrang nakakahiya. Nun kumakain kami, pinsan ata nina Paul yun kumakausap sakin, kasi tinutukso ako kay Josh(pinsan nina Paul), may crush daw kasi sakin. Tas tinanong din ng daddy ni Paul kung sino daw yun naka-cam-to-cam nila. HAHAHA! Eh ako yun. Ayaw ako tigilan kakatukso kay Josh, tas pinapatigil ni Paul yun pinsan niya sa pagtukso sakin gawa daw kasi ni Rossmar. Yun naman ang tinukso sakin. Haaay grabe! Tas katext ko pa nun sina Paul at Rossmar habang kumakain ako, ang cute ko daw kumain. Langya eh! HAHAHA tas lumabas kami sa terrace, dun kami nag-stay. Ayoko umupo kasi kakakain lang. Kaso tinext ako ni Rossmar at Paul na umupo daw ako, pero di nila ako napilit. Yun mommy ni Paul nakapag-paupo sakin. Saglit lang kami tapos bumalik na din sa simbahan. Nakakapagod na nakakahiya. As in para akong mamamatay sa hiya nun! First time. Sinabi pa kasi ng mommy ni Paul dun sa mga bisita na kami daw ni Bianne yun chx ng mga anak niya, inaamoy amoy na daw niya, pero sinabi niyang joke lang din. Pero kahit na no! HAHAHA! T’was fun kahit ganun kasi ang tagal namin magkakasama. Hohoho! Ang kalog nila lahat, hope to see them again ;)

Halos 12 hours kami sa Tanay pero masaya :) I miss the fun na nga eh kasi nakaka-high! Ang sarap nila kasama. HAHAHA! Yun lang, ang haba. Sensya, share lang ;)