Edi late ako gumising. Saturday eh. Eh kaso naalala ko, manonood nga pala kami ng theatrical play sa URS Morong. I woke up at almost 9am. Tapos kakain na sana ako, biglang sabi ng mommy na ako naman daw mag-net. Edi habang kumakain ako, nagne-net ako. Dumating na yun mga kaklase ko. Before 10am kasi dapat nasa school na. Eh 9:30 na ata ako naligo. HAHAHAHA. Ayun punta na kami sa high school department. Nag-wait lang saglit tapos umalis na din. Ewan ko ba kung bakit ang hyper ko nun. Pinaglapit ko pa kapatid ko atsaka si Kim nun nasa service para sweet. Naranasan ko kasi yun dati!!!! HAHAHA. Pagkadating namin dun, mga 11:30, kumain saglit dahil sa gutom. Sobrang mabilisan kaya onti lang nakain. Pagpasok namin sa theater, si Makmak kasama ko. Totally, hindi ko siya classmate o schoolmate, bespren ko yun na na-link sakin dati. Siya kasi nag-ayos ng tix namin kasi dati siyang kasali sa play ngayon hindi na. Siya din katabi ko sa upuan. No malice nalang naman. Edi yun, laughtrip all the way. Ang ganda kasi comedy eh I love comedies! After nun, mga almost 3pm na natapos, medyo gutom na kaya sugod sa Savemore. Namili na din ng foods para sa tour. Late lunch with them. And nun pauwi na kami, nakita ko yun isa kong friend na sakristan na taga-Tanay. Nagulat ako, pati siya. HAHAHA, 4 something na kami nakauwi. Eh sumama ako sa paghatid sa mga taga-baryo. 5 something, andito pa kami sa bayan. May inantay pa. Sobrang saya lang sa service habang naghahatid. And kakauwi uwi ko lang. Mga 6. HAHAHA! Maayos naman tong araw na to. Pwede na din. :)